
Patalbugan sa mga sweet message sa kani-kanilang girlfriend/wife ang ilan sa mga male celebrity natin nitong nakaraang Valentine’s Day.
Isa sa umani ng libo-libong likes ay ang Valentine message ni Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo.
“Celebrating Love with you, you’ve made it feel so special, so new, so fresh. Thank you for your beautiful soul. I love you forever. Happy valentines!! You are the most beautiful, magical human being ever!!” ang mensahe ni Matteo kay Popstar Royalty.
Panalo rin ang Valentine message ni Enrique Gil sa girlfriend na si Liza Soberano.
“Hayy kung ganyan nmn ako makikita ko araw araw mababaliw talaga ako Happy Valentine’s Day to this gorgeous woman over here who stole my heart. For once im happy i was stolen,” ang simula ng caption ni Quen sa larawan ni Liza.
“Baby You are my heart, my soul and the blood that flows in me I don’t think any words in ig can really fit in what i feel for you.
“But One thing i do know is that i am the luckiest guy in the world and i am forever grateful to our Lord Jesus Christ for giving me the most precious gift of all. Napaka swerte ko talaga because this woman right here has the biggest heart in the universe and i want to share you to the whole world so that they can feel the love and happiness that you bring me. Pero minsan lng nmn madamot ako gusto ko sakin lang hehe joke!
“You give me hope every single day. when i feel down I always go to you and instantly im up again. I just can’t live without you and i will always love you no matter what baby happy valentines day bubu ko! I love you so much, always and forever,” ang kabuuan ng message ni Quen na talaga namang ikinakilig ng mga LizQuen fan.
Kakaiba pero bongga rin ang post ni Aiza ‘Ice’ Seguerra para sa misis na si Liza Diño.
“Mahirap regaluhan si Liza. Hindi dahil mahilig siya sa mamahalin pero dahil napaka particular niya. Hindi puwedeng basta mo siya bibigyan ng kahit ano. Makakakuha ka ng ‘aww love, thank you’, pero kung kilala mo si Liza, alam mong hindi yun yung reaksyon niya kapag gustong gusto niya yung bigay mo.
“For vday, wala talaga akong regalo sa kanya. Usually, nagpapa arrange ako ng bulaklak pero hindi mabuti yung pakiramdam ko kaya hindi ako nakabili.
“So nung sinundo ko siya sa airport, tinanong ko kung saan niya gusto kumain. I surprise ko daw siya. Kaya ayun, dumiretso kami sa Inumart para kumain ng isaw, tokwa, tokneneng. Tapos nung naglakad ako, finally, nakita ko yung perfect vday gift.
“Binilhan ko siya ng tatlong balot. Pagkabigay ko, ibang klase yung ngiti niya. Mas higit pa sa nakatanggap siya ng bulaklak, mamahaling chocolates at kung ano pa. Iba ang saya niya. Dahil sa tatlong balot. Iba rin ang saya ko, kasi masaya siya.
“At yun ang buhay namin. Hindi kailangan kumplikado. Hindi kailangan magarbo. Basta magkasama kami, sa kahit saan at ginagawa ang kahit ano, masaya kami.
“Happy Valentine’s, mahal ko. Napakaswerte ko sa iyo,” ang post ni Ice.
Si Xian Lim naman ay maikli at napaka-simple lang ang kanyang pagbati kay Kim Chiu.
“Everyday is valentines day with you @chinitaprincess,” ang post ni Xian.
Kahit nagluluksa pa sa pagkamatay ng ina ay nagawa rin namang batiin ni Rayver Cruz ang kanyang lady love sa Araw ng mga Puso. Isang simpleng “happy hearts day” lang ang kanyang caption sa larawan nila ni Janine Gutierrez.
Pero hindi rin naman nakalimutang batiin ni Rayver ang yumaong ina.
“Syempre Happy Valentine’s Day sa aming nag iisang Reyna namin dyan sa langit we miss and love you so much mama!!!” ang post ng bida ng “Asawa Ko Karibal Ko” ng GMA-7.