Sinikwat ni Jericho Cruz ang unang niyang Accel-PBA Press Corps Player of the Week award (May 19-21) sa likod ng taas-noong nilaro sa come-from-behind 118-112 win ng Rain or Shine laban sa Ginebra noong Biyernes.
Hinarabas ni Cruz ang 11 sa kanyang 19 points sa final period sa dominante at asintado niyang offensive play para ipagdiinang isa siya sa mga league’s fastest-rising gunners.
May solidong papel ang 2016 Most Improved Player kay comebacking Elasto Painters import Duke Crews sa second half para maayudahan ang Asian Coating franchise na kalsuhan ang two-game skid.
Sa 5-4 win-loss record, napalakas ng E-Painters ang quarterfinals bid bago ang last two games nila sa single-round eliminations ng midseason conference.
Wagi ang six-footer na si Cruz, nagsahog pa ng 5 rebounds, 3 steals, at 2 assists, para sa weekly citation laban kina Alex Cabagnot at Arwind Santos ng San Miguel Beer, Star combo guard Paul Lee, Stanley Pringle ng GlobalPort at Jayson Castro ng TNT.