tonite-pak-allan-dionesNakapag-emote ang isang kila­lang heartthrob (KH) sa isa nitong kaibigan tungkol sa kanyang dating ka-loveteam (DK).

Bilang may pinagsamahan kasi ang dalawa, nandu’n pa rin ang pagiging concern ni KH kay DK. At natural kasi ang pagiging gentleman ni KH, hindi pakitang-tao lang.

May mga pagkakataon pala na kapag inaalalayan ni KH si DK ay ipinaparamdam ni DK na hindi nito feel ang ipinapakitang concern ni KH.

As in halimbawang hahawakan ni KH ang balikat ni DK, biglang igagalaw ni DK ang balikat niya para tanggalin ni KH ang kamay nito.

‘Yung pitik daw ng katawan ni DK ay ‘yung tipong asiwa ito na hinahawakan siya ni KH samantalang nag-aalala lang naman ‘yung tao at gusto lang siyang alala­yan o protektahan.

Nabanggit ni KH sa isang friend nito na na-offend ito sa gesture na ‘yon ng dating kapareha dahil ang alam nito ay okey naman silang dalawa at wala silang problema.

Besides, totoo naman si KH sa pagki-care niya na ‘yon kay DK at wala naman siyang ibang ibig sabihin doon.

Tila may nabago talaga sa pakikitungo ni DK kay KH mula nang maugnay sa iba si DK at magkaroon ito ng sariling mundo na hindi kasali si KH.
Feeling ng kaibigang napag-emowtan ni KH, may kinalaman ang personal life ni DK sa attitude nito ngayon kay KH.

Baka raw ayaw ni DK na magselos ang kanyang karelasyon kaya tila may pag-iwas siya kay KH at malamig na ang treatment niya rito ngayon.
PAK!!
***

Pokwang ‘di nagpadaig kay Angge

Masaya ang mga kasamahan ni Angelica Pa­nganiban sa “Banana Sundae” dahil ang ganda ng mood ng aktres sa taping ng summer episode nila sa Boracay.

Nakipagsabayan ng pagsu-swimsuit si Angelica sa nagseseksihang co-stars niya. Kung may pa-bikini ‘yung sexy girls, may pa-one piece swimsuit naman si Angge.

Maging si Pokwang ay lumaban sa pa-swimsuit. Hindi nagpadaig si Pokie kay Angge sa pag-aura nang sexy sa beach ng Bora, so itsurang may naganap na swimsuit competition.

Ang ganda raw ng mood ni Angelica sa Boracay kahit bago nakara­ting doon ay may mga hanash ito sa airport na halatang bad trip ito.

Maganda ang epekto kay Angge na pagiging “toxic free” gaya ng caption niya sa pinost niyang beach pics na umeemowt-emowt siya sa harap ng kamera in her dark swimsuit.

Baka kasi nailabas na niya sa “GGV” lahat ng mga kuda niya tungkol kay Carlo Aquino kaya gumaan na ang pakiramdam niya.

Wagas ang mga pa-swimsuit ni Angge doon sa Bora na sunod-sunod niyang pinost sa social media.

Proud daw siya sa kanyang imperfections at ine-embrace niya ‘yon, so wala siyang kebs kung may mga manlait man sa katawan niya.

Ang taray ng shot ni Angge na nakaupo siya sa surfboard habang nasa dagat, wapak ang pa-cleavage niya at basa-basa ang kanyang bikini area.

May sexy pose din siya sa may coconut tree na ang pagkakabali ng katawan niya ay parang kabogera ang kurbada niya.