Aso ni-rape ng 4 na adik

Nadurog ang puso ng mga netizen sa balitang pumanaw na ang lala­king aso na ginahasa ng apat na adik sa Mumbai, India.

Sa Facebook post ng non-government organization na Animal Matter To Me (Mumbai), inihayag nito ang pagkamatay ng aso na pina­ngalanang Courage (Tapang) noong nakaraang linggo, Nobyembre 21.

Ginahasa ng apat na adik si Courage at dinugo ito.

Unang natagpuan ng isang residente si Courage na nagdurugo dahil pinutol pa ng mga suspek ang kanyang ari matapos gahasain noong Nobyembre 17.

Ayon sa residenteng si Sudha Fernandez, isang auto rickshaw driver ang nagsabi sa kanya na ginahasa ng apat na lalaking nasa impluwensiya ng droga si Courage.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang apat na suspek at nagsampa na rin ng reklamo tungkol sa insidente dahil sa paglabag sa Prevention of Cruelty to Animals Act sa Malwani Police Station.