BALIGTAD ang magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi.
Noong panahong panay sa ABS-CBN may teleserye si Assunta, sa GMA 7 rumatsada si Alessandra
Nang bumalik sa Kapuso network si Assunta, nasa Kapamilya network naman si Alessandra.
Sabi namin kay Assunta, mukhang hanggang sa pelikula lang sila puwedeng magsama ni Alessandra, huh?!
Ang alam ni Assunta, may sisimulang teleserye sa Dos ang kanyang kapatid.
Si Assunta, may Impostora sa Siyete na magsisimulang umere sa Hunyo 19 sa afternoon slot.
Medyo magiging busy si Assunta dahil hindi muna siya magta-try na magpa-in vitro fertilization.
Iyung naunang ginawa niya ay hindi nabuo, pero wala raw problema dahil may iba pa siyang eggs na nakatabi at puwedeng gamitin in the future.
Hindi pa sumusuko si Assunta at umaasa pa ring makakabuo sila ng mister na si Jules Ledesma.
Bukod sa Impostora, may isa pang series na sisimulan si Assunta. Gagawin din niya ang Filipino-Korean movie na You With Me kung saan ay gaganap siyang nanay ng Kapamilya star na si Devon Seron kasama ang Korean actors na sina Kim Hyun Woo at Jun Ji Hyeong.
Excited si Assunta dahil may mga eksena siya na kukunan sa Korea.
Hindi sasama ang mister niya sa Korea dahil trabaho ang sadya niya roon. Saka na lang sila magbabakasyon ni Jules sa nasabing bansa.
***
Dahil may fashion sense si Raymond Gutierrez, siya ang tumutulong sa twin-brother niyang si Richard Gutierrez para sa magiging look nito sa pelikula ng Star Cinema kung saan makakasama ng aktor sina Angel Locsin at Angelica Panganiban.
Pati si Sarah Lahbati na excited sa reunion movie nina Richard at Angel, tumutulong din sa pag-i-style sa kanyang lovey-dovey.
Sa Hunyo 5 na ang look-test nina Richard, Angel at Angelica para sa nasabing pelikula.
Inayos na nina Raymond at Sarah ang magiging hitsura ni Richard para sa character niya sa pelikulang ‘yon!
Gusto kasi nina Raymond at Sarah na iba naman ang dating ni Richard sa bago niyang pelikula.
Kesehodang magmukha silang personal stylists ng aktor, walang problema sa dalawa!
huwag na umasa si Assunta na mabubuntis siya sa vitro kung sperm ni Jules ang gagamitin. Baog at bading ang waswit niya.
may 2 anak si jules sa kanyang 1st wife
hihihi ….. hala! natawa tuloy ako sa comment mo
ung totoo Jun Lalin.. looks ba dapat unahin ni Richard o ung mala hamon nyang acting wahahaha…. bago nga looks same acting ano bago dun sa tagal nya sa showbiz hamon lang ang kaya nyang ibigay wahahahaha 2x