Assunta de Rossi magpapa-IVF para magka-baby

Assunta De Rossi at Jules Ledesma

AYAW ni Assunta de Rossi na “mausog” ang plano niyang pagpapa-in vitro fertilization (IVF), kaya hindi niya gustong ikuwento ang tungkol doon.

Basta, plano talaga niya ‘yon para magkaroon na sila ng baby ng mister na si Jules Ledesma.

“Pero kailangan din na makapagpahinga ako, kaya after ng regular TV series na ginawa ko sa GMA 7, gusto ko, pa-guesting-guesting lang muna, para maharap ko na ‘yung tungkol sa pagbubuntis.

“Kailangan, maka­pagpahinga rin muna ako bago ako magpa-in vitro fertilization,” sabi pa ni Assunta.

Pati ang mister ni Assunta, hindi na rin masya­dong abala ngayon dahil “Private Jules” na ang dating congressman.

Marahil ang tungkol din sa kagustuhan nila na magkaanak kaya hindi na kumandidato sa kahit na anong posisyon si Jules noong nakaraang eleksyon.

Sa trailer launch ng pelikula nila nina Jay Manalo, Katrina Halili at Meg Imperial na Higanti, naikuwento ni Assunta kung gaano kabait ang mister niya.

Kahit naiintriga palagi ang pagsasama nila ni Jules, maipagmama­laki niyang masaya ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Hindi na mabilang ang intrigang naghiwalay silang mag-asawa, pero palaging napapatuna­yan nina Assunta at Jules na mali ang mga tsismis na ‘yon.

Aminado si Assunta na mas easy ang buhay niya ngayon bilang misis kesa noong dalaga pa siya.

Hindi kasi mahigpit ang kanyang mister na malayo sa kanyang parents noong dalaga pa siya. Sobrang higpit kasi ng kanyang parents noong araw.

***

Birthday kahapon ni Miguel Tanfelix at dahil may presscon ang URL (Usapang Real Love), ang first interactive rom-com on Philippine TV ng GMA 7, it’s a working birthday for him.
Ka-birthday pala ng editor naming si Jerry Olea si Miguel, huh!

Na-surprise si Miguel nang bigla siyang kantahan ng happy birthday during the question and answer segment ng URL at may pa-cake pa ang staff ng show for him, huh!

Magandang birthday gift for Miguel na sila ni Bianca Umali ang first loveteam na featured sa URL na magpa-pilot telecast na sa GMA 7 sa Linggo (Setyembre 25) nang 4:45 PM bago ang WowoWin ni Willie Revillame.

Nausisa  si Miguel sa URL tungkol sa pre-marital sex at sinabi niya na sa edad niya, iwas pa siya sa bagay na ‘yon!

Reading between the lines, parang sinabi na rin ni Miguel na virgin pa siya, ‘noh?!
‘Yun na!