Astig ang ValMaSci!

Julius M. Segovia

Nagsimula na ang online registration para sa academic year 2020-2021 nitong June 1. Pero marami ang nagdadalawang-isip kung i-eenroll ang kanilang mga anak o hindi. Sinabi na ng Department of Education na walang mangyayaring face-to-face interaction ngayong school year.

Kahit pa virtual ang napipintong mode of learning, kanya-kanya pa ring paghahanda ang mga eskuwelahan sa pagbubukas ng klase sa August 24. Tiyak pa rin kasing mayroong papasok na staff o empleyado para mapanatili ang operasyon ng paaralan.

Sa Valenzuela City, iba’t ibang safety measures and protection ang isinasagawa sa kanilang skeletal workforce na patuloy na papasok sa mga paaralan.

Tulad sa Valenzuela City School of Mathematics and Science na bumuo ng improvised alcohol dispensers na gawa lang sa metal pipes. Hindi mo na kailangang hawakan dahil konting tapak lang, mayroon nang alcohol.

Ang robotics teacher naman ng paaralan na si Albert Tolentino, gumawa ng isang robot alcohol dispenser. No need na ng pagtapak o paghawak dahil ito ay motion-sensored. Gawa ang dispenser na ito sa ev3 and lego kit, hi-tech sensors na pinrogram sa arduino, at syempre ang alcohol pump bottle.

Ayon sa principal ng ValMaSci na si James De Vera, layon nilang makagawa ng mga ganitong uri ng alcohol dispenser upang maiwasan ang physical touch sa mga gamit na karaniwang sanhi ng pagkalat ng virus gaya ng COVID-19.

Dagdag pa ng punong guro, nais nilang gawing kaaya-aya ang paglalagay ng alcholol para palaging maalala na mag-disinfect ng kamay at braso.

Ang sa akin lang, hindi pa tapos ang laban kontra COVID-19 kaya laging mag-ingat at manatiling nakaalerto. (with inputs from John Rey Ibañez)