Astig na boksingera

Josie Gabuco

Ni Janiel Abby Toralba

Patuloy na pinatutunayan ni five-time Southeast Asian Games gold medalist Josie Gabuco na yakang-yaka pa rin niyang makipagsabayan ng mga kababaihan sa larangan ng boxing kahit nagkakaedad na o may 16 taon na sa national women’s team.

Kahit nahihirapan at nasasaktan ‘di lang sa mga aktuwal na laban kundi maging sa ensayo rin, tinitiis lahat iyon ng 32-year-old, 5-foot, Palaweña boxer (March 30, 1987) upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Walang ring regrets si Gabuco sa pagpasok nito sa combat sport, “Wala po, sobrang thankful ako sa lahat na nangyari sa akin nang makapasok ako sa boksing.”

Kahit busy sa pagpa-practice, sinisigurado naman niya na nakakabawi at naipagkakaloob ang pangangailangan ng kanyang anak.

“Lahat ng pangangailangan niya, binibigay ko lalo na siyempre ang education. ‘Yun talaga ‘yung pinakaano ko, maging maayos ‘yung education niya. Siguro medyo nakakalungkot lang isipin na medyo kulang ako sa time sa kanya lalo na sa mga special occasion pero tina-try ko namang gawin kung anong puwede kong magawa pag halimbawan­g wala akong training or wala ako sa training camp,” anang single mom

Naikuwento rin ni Gabuco na minsan na ring nagkainteres ang 12-anyos na lalaking anak sa boxing. Pero kung siya lang masusunod, ayaw niyang papasukin ito sport.

“Nu’ng bata pa siya, lagi siyang sumasama sa akin gusto niya ring mag-boxing. Pero siyempre bilang nanay ayoko kasi mahirap, ayokong masaktan ‘yung anak ko,” lahad ng boksingera.

Sa kakatapos lang na 30th Southeast Games PH 2019, dinomina ni Gabuco ang laban kontra kay Endang Endang ng Indonesia para sa 5-0 win.

Dahil sa kanyang panalo, nasungkit ni Gabuco ang panlima niyang medalyang ginto sa 11-nation, day biennial sportsfest nitong Nobyembre 30-Disyembre 11 lang para muling iwagayway ang watawat ng bansa sa pagbibigay niya ng karangalan.

***

Q&A

TONITE: Ano ba ang mga sacrifice mo sa pagbo-boxin­g?

Gabuco: Siyempre unang-una dun ‘yung mahiwalay ka sa fami­ly mo kasi kailangan lagi kang nasa training camp para conti­nuous ‘yung training and siyempre ‘yung wala ka sa mga espesyal na occasion sa pamilya mo halos wala kang time. Siguro sa akin, ‘di ko naman matawag na sakripisyo ‘yung mahihirapan ako sa ensayo kasi part na ‘yun ng pinasok ko eh. Mahirap nga lang ‘yung tipong kapag nakipag-sparring ka sa lalaki matatamaan ka nang mala­lakas. Isa ‘yun sa mga parang pinakatinitingnan ko na mahirap pero nag-enjoy naman ako sa ginagawa ko.

TONITE: Kuntento ka ba sa naging career MO sa boxing?

Gabuco: Satisfied naman ako sa kinalabasan ng lahat ng sakripisyo na ginawa ko ng mga coach namin kasi siyempre parang iniisip ko ano ako kung wala ako rito sa boxing. Makakapag-produce ba ako ng ganito, kaya ko bang i-provide ‘yung pangangailangan ng pamilya ko, ‘yung mga gano’n. Talagang thankful pa rin ako sa lahat ng mga nangyayari sa akin sa sport.”

TONITE: Ano ba ang mindset mo tuwing sasampa sa ring?

Gabuco: Sa tuwing umaakyat ako ng ring, talagang iniisip ko—nagpo-focus ako dun sa kalaban ko at iniisip ko lahat ng mga pinaghirapan sa akin ng mga coach namin. Lahat ng pagtitiis nila para turuan kami kung ano dapat yung gagawin namin sa taas ng ring. And siyempre ‘yung tiwala ko kay God,
talagang nandun kasi kahit anong gawin mong pag-eensayo kundi dahil sa kanya wala talaga eh. So ‘yun talaga, iniisip ko na lang talaga na dinala nya ako dito na may purpose so tiwala lang.”

TONITE: Mensahe para sa mga tagasuporta ng boxing?

Gabuco: Sa lahat po ng sumusuporta sa national women’s and men’s boxing team, ‘wag po kayong magsawa sa pagsuporta sa amin and sana patuloy nyo po kaming abangan sa mga laban namin.”