Astig na Food Trip sa Valentine’s Day

Siguradong karamihan sa mga Noypi ­ngayon may kanya-kanyang plano na how to spend Valentine’s Day — of course, number one sa listahan ay ‘food trip’… Well, ‘It’s more fun in the Philippines’.

Woooaah, 8-days na lang at Feb-ibig Day na, it’s all about Hearts Day!

Dahil dito, inumpi­sahan ko ang ­February escapade ko into a food trip na astig mula Maynila – Quezon – to Baguio City.

Sa Quezon City, ­biyaheng burgerrrrrific experience na super mouth watering. As in, super burgerrrrrific na food trip.

Para sa mga hindi naman masyadong maselan sa Date, highly ­recommended ito para sa mga lovers, especially sa mga nasa Quezon City (Fairview) area lamang. Hindi masyadong magastos, pero sulit sa food here @ Miggy’s Snack Café.

One of a kind experience na hindi dapat palagpasin lalo na sa mga food lovers na ayaw munang lumayo ng Quezon City.

HOW TO GET THERE?

Via MRT/commute/private: Quirino Avenue and Quezon City find a jeep na may signboard na ‘Dahlia’ and drop @ McDonalds near FEU Hospital. First Street left side ‘Rolex’ go straight intersection ‘LEFT SIDE’ last building – there you can see the Miggy’s Snack Café.

Estimated transpo: 16.00 php

From Manila: Find a jeep na may rutang SM Fairview. Bababa @ McDonalds near FEU Hospital and walk a distant to 1st street. Left side is ‘Rolex’, go straight ahead, intersection look @ the last building it is Miggy’s Snack Café.

Estimated transpo: 25.00 php

BULALUHAN SA ESPAÑA

My next stop, ang ­famous na Bulaluhan sa España na kilalang-kilala ng mga taga-

Bulaluhan sa España
Bulaluhan sa España

Sampaloc at mga taga-Quezon City ­dahil almost nasa ­boundary ito ng Manila at Quezon City, malapit sa Welcome Rotonda.

Exact address: 2166 España Blvd. (Josefina St.) 1008 Manila.

Experience a heavy food pack na siguradong ma-a-uplift and tummy cravings dahil sa mainit na sabaw ng Bulalo at samahan pa ng delicious Ilocano cuisine na Papaitan and many more.

Ang regular order ng Bulalo ay P95 na good for sharing para sa dalawang tao. Para naman sa mga hindi masyadong nagtitipid, pwedeng i-try ang special Bulalo na ­halagang P155. Delightful soup na may kasamang laman ng pure beef na bulalo.

Swak din ito para sa family bonding at date para sa mga ­lovers. Affordable prices na sobrang satisfied ang tummy.

Pick all you want sa Food Trip – Baguio

Sa mga magagawi naman ng City of Pines this coming Valentine’s Day, I recommend na puntahan n’yo ang sik­retong food paradise ng Baguio City — ang Kamayan sa Cordillera o kilala rin sa tawag na Kamayan sa Baguio.

Isa itong old Filipino inspired na food hub.

Kamayan sa Baguio
Kamayan sa Baguio

Kilala rin ang buffet restaurant na ito bilang Home of Lechon Cebu ng Cordillera dahil mayroon silang lechon ala-Cebu na sobrang mouth watering sa mga mahilig sa roasted pig at Filipino dishes na may bonus pang-seafood buffet.

Kamayan sa Baguio is located at No. 27 A Sophia De Veyra Street Quezon Hill, Baguio City.

Public Transit: Take a Jeepney bound to Quezon Hill. (Jeepney terminal is located along Kayang Street, Baguio City Market).

Well of course, since nasa Baguio City na kayo ‘wag kalimutang pasyalan ang mga ­famous parks at mga pasyalan tulad ng ­Botanical Garden, Mines View, Wright Park, Burnham Park and many more…