Astral projection o OBE, ligtas ba?

Mapagpalang araw mga ka-Misteryo. Bigla ba kayong nagising sa pagkakahimbing at nakita ang inyong sarili na nakahiga sa kama? ‘Wag kayong matakot o mag-panic dahil ‘yan ay normal na karanasan na tinatawag na Out-of-Body-Experience (OBE) o Astral Projection.

Ang OBE ay maaa­ring maranasan kapag sobrang pagod ng isang tao o ‘di man kaya ay nasa ‘trance state’ ang katawang pisikal.

May mga nakausap akong nakaranas ng OBE habang ma­tindi ang karamdaman bagaman ang iba naman ay walang problema sa katawan.

Balik tayo sa tanong na ligtas ba ito o hindi? Dahil marami ang na­ngangamba at takot na magkaroon ng OBE baka tuluyan nang humiwalay sa katawang lupa ang kanilang kaluluwa at mamatay.

Ang sagot ko sa tanong kung ligtas ba ang OBE o hindi? Wala akong makitang dahilan na ito ay delikado ‘pag nasa normal na kondisyon ang kalusugan ng isang tao, at maaaring mapanganib ito kapag dumaranas ng matin­ding sakit ang isang tao.

Bagaman may mga pagkakataon na ang isang may sakit ay hindi mapigilang mag-OBE sa halip nakatulong din ito para gumaling o mabigyan ng kaalaman para sa kanyang kagalingan.

Ngunit maaaring sadyang gawin ang OBE sa kondisyong dapat may sapat na kakayanan at kasanayan ang gagawa nito.
May mental exercise at meditasyon na kailangang mapag-aralang mabuti ng isang tao na gustong gawin ang ‘vo­luntary OBE’ o kilala bilang astral projection.

Bagaman, may mga pagkakataon na meron tayong ‘involuntary OBE’ o ‘yung hindi sinadyang paglabas ng katawang-astral na ayon sa mga ekspertong-metapisikal ay maituturing na ligtas dahil protektado ka ng iyong spirit guides.

Ang spirit guides – anghel man ‘yan o mga nilalang na nagsisilbing gabay ay ang laging proteksiyon natin sa oras na tayo ay nanganganib sa pisikal na dimensiyon man o sa astral o kabilang dimensiyon.

Para sa inyong mga suhestiyon at katanungan, mag-email samisteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang aking website: www.reytsibayan.com.