TAKANG-TAKA ako sa fanatics ni Maine Mendoza.

Hindi ko mauunawaan kung bakit pinapatulan pa nila at ayan tuloy, may media mileage na si Atak.

Ni hindi niya totoong pangalan ang ginagamit, hindi rin siya natural na nakakatuwa o nakakatawa, at sa karamihan, isa siyang The WHO.

Ayan, pinatakim ninyo na puwede pala siyang pag-usapan at nagkapribilehiyo siyang magsuplado.

Buong ningning na itinanggi ni Atak ang bintang at very gracious ang kanyang paliwanag sa kiyeme latik na isyung ipinupukol sa kanya.

Sino ngayon ang luma­bas na nagmukhang tanga at naniniwala agad sa mga sitsit at sabi-sabi?

Kasi naman kayo, mga ineng at totoy… lahat na lang, pinapatulan. Bago kayo magtatalak sa social media, siguraduhin n’yo muna kung totoo at kung karapat-dapat patulan.

You must learn to choose your battles.

Hindi puwedeng la­ging ratrat agad, tira agad, na ang premise eh kesyo ipi­nagtatanggol ninyo ang idolo ninyo.

Be as courteous and gracious, like your idol, as the Philippine Sweetheart.