Magtutuos sa ikalawang sunod na pagkakataon ang defending champion Creamline at PetroGazz laban para sa kampeonato 3rd PVL Open Conference 2019.
Sisiklab ang race-to-2 win Finals sa darating na Miyerkoles, Nobyembre 6. Lahat ng laro, pati ang sa battle for bronze medal ng BanKo at Motolite mga nakatakda sa The Arena-San Juan City.
Pinatimbuwang ng Cool Smashers ang Angels sa double elims nitong Agosto 23 via straight sets at nitong Oktubre 13 sa four sets para maging patok sa karibal na nagpatilapon naman sa kanila sa season-opening Reinforced Conference nitong Hulyo sa winner-take-all Game 3.
Kaya malaking karangalan para kay Arnold Laniog ang rematch nila sa powerhouse team ni Alyssa Valdez, at kahit aniya nasungkit nila ang kampeonato sa nakaraang kumperensiya, may gusto pa ring patunayan ang kampo.
“Well kumbaga na overcome namin yung challenge not the challenge sa tournament pero yung challenge ng mga basher,” anang PG coach ukol sa pasaring na kayang bumangon ng koponan kahit na kaliwa’t kanan ang pamba-bash sa social media.
Malaking puntos na nakatapat nila ang Creamline sa Reinforced kaya naman amoy na ni coach Arnold ang taktika ng Cool Smashers, kalkulado na kung paano kokontrahin ang opensa.
“On our part going to Creamline talaga is yung consistency. Especially yung yung counter-attack knowing Creamline very offensive talaga. (Aivan Episcope)