Isang-daan at limampu’t limang taon na ngayon ang nakara­raan nang isilang sa Tondo, Maynila ang isang lalaki na magi­ging lodi ng mara­ming Pinoy dahil sa kaniyang katapangan at pagmamahal sa ba­yan—si Andres Bonifacio.
Hindi gaya ng ibang pambansang bayani na may pinag-aralan dahil mula sa mayamang angkan, itong si Andres ay karaniwang noypi lang na walang tsitsibugin kung hindi kaka­yod. At sa murang edad na 14, maaga niyang pinasan ang responsibilidad ng pagiging ama sa lima niyang kapatid dahil kinuha agad ni Lord ang kanilang padre de familia.
Para matustusan ang pangangailangan ng pamilya, nagsikap si Andres sa pagtitinda ng kung ano-ano hanggang sa makapasok siya ng trabaho. Hindi tulad ng mga kampon ni ‘Taning’ ngayon na pagkalaki-laki ng mga katawan pero kung hindi batugan, magnanakaw, holdaper, tulak ng droga, o kaya scammer o mga manloloko.
Pero kapag nahuli naman ang mga mokong, ubod ng aamo ang mga hinayupak na parang hindi maka­basag ng pinggan. Kapag tinanong mo kung bakit nila ginawa ang kalokohan at kawalanghiyaan nila, ang idadahilan, ‘kahirapan.’ Aba’y mahiya naman kayo kay Andres.
Kahit todo-kayod si Andres para buhayin ang mga kapatid, nagsariling sikap pa rin siya sa pagbabasa ng mga lib­ro para madagdagan ang kaniyang karunu­ngan. At nang tumindi na ang pagkauhaw ng mga Pinoy na magkaroon ng kalayaan mula sa kamay ng mananakop na Kastila, kasama siyang nagtatag ng katipunan at naging ikatlong Supremo—kasunod nina Deodato Arellano at Roman Basa.
Gaya ni Heneral Antonio Luna, sa kamay ng mga kapwa Pilipino at hindi sa mga dayuhan namatay si Bonifacio. May magkakaibang bersiyon ang lumalabas kung papaano siya [at ang kapatid niyang si Procopio], pinagbabaril at tinaga sa isang kabundukan sa Maragondon, Cavite.
Nangyari ito matapos silang dakpin at ‘litisin’ sa Cavite dahil sa kasong sedisyon ng grupo ni Heneral Mariano Noriel, at hinatulan ng kamata­yan. And the rest is history na ika nga. Iyon nga lang, may tanong pa rin na hindi pa nasasagot nang malinaw hanggang sa ngayon, nasaan na nga ba ang mga labi ni Andres at kapatid niya? May nagsasabing nahukay noon ang mga buto ng magkapatid at inilipat sa National Museum pero hinihinalang nawasak noong digmaan.
Ang pagiging maka­bayan ni Andres ay mababasa rin sa isinulat niyang tula na ‘Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,’ na unang inilathala noong Marso 1896 sa kauna-unahang isyu ng Kala­yaan, ang pahayagan ng Katipunan.
Mababasa ang buong teksto nito sa website ng ‘Official Gazette.’ (http://malacanang.gov.ph/7050-andres-bonifacios-pag-ibig-sa-tinubuang-lupa/)
Tiyak na marami ang umiidolo kay Andres dahil sa katapa­ngan niya at kahandaan na humawak ng armas para ipaglaban ang kalayaan. Pero mali­ban sa tapang at away, dapat tandaan at higit na dapat tularan ang pagiging masigasig ni Andres bilang karaniwang Pinoy na mapagmahal sa kaniyang pamilya.
Isang halimbawa na rito ang kusang pag-rollback ng mga presyo ng bilihin at singil sa pamasahe ngayong sunod-sunod na ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo. Noon kasi na sunod-sunod ang oil price hike, ngawa sila nang ngawa na may domino effect ito sa presyo ng mga bilihin dahil sa gastos sa krudo sa transportasyon ng mga produkto. Ngayong halos dalawang linggo na ang malaking oil price rollback, dedma na sila sa sinasabing ‘domino effect,’ pati ang mga tsuper
Hindi na kailangan maging ‘atapang a-tao,’ ang kailangan lang ay maging makatao para maging katulad ni Andres. At take note: birthday ng erpats ko sa Nobyembre 30 at 86-anyos na eto, yun lang ‘di kasing tapang ni Bonifacio! Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”