Ate naispatang nagnakaw ng 6 bestida sa RTW shop

Kulungan ang bagsak ng isang 31-anyos na babae matapos magnakaw ng anim na bestida sa isang RTW shop sa Barangay Barangka, Marikina City, kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si February Lorica y Pingas, 31, ng Marikina City at nahaharap sa kasong theft/shoplifting matapos ireklamo ni Jeffery Rebenito y Gumatay, 27, may-ari ng J.C Roxaz Fashion sa River Banks Mall, Barangay Barangka, Marikina City.

Inaresto ang suspek bandang 1:30 Sabado ng hapon nang matiyempuhan ng mga staff ng fashion store na nagsisilid ng ilang piraso ng bestida sa kanyang bag.

Aktong papalabas na ang suspek nang sitahin at doon na nakita ang tatlong piraso ng black dress at 3 blue dress na nagkakahalagang P5,100. (Vick Aquino)