Mga laro sa Sabado (PhilSports Arena)
10:00 a.m. — UST vs. NU (S Turf semis)
12:00 noon — La Salle vs. Adamson (S Turf semis)
6:00 p.m. — SSC vs. Ateneo (V-League playoff)

Tinuldukan ng Far Eastern University ang seven-­game losing skid nito kontra Ateneo matapos ang 25-18, 25-19, 25-22 panalo sa Shakey’s V-League Season­ 13 Collegiate Conference sa PhilSports Arena­ sa Pasig kagabi.

Nagsanib-puwersa sina Remy Palma at Toni Basas­ na may tig-13 puntos para sa FEU, may 10 pa si Bernadeth Pons.

Tapos na ang mapapait na araw ng FEU dahil maka­lipas ang anim na laro sa UAAP sa loob ng tatlong taon at isa sa V-League Collegiate Conference noong naka­raang taon ay nakaisa rin ang Lady Tamaraws.

“Oo nga, sa mahabang panahon,” saad ni FEU coach Shaq delos Santos. “Actually ‘yun ang pinag-uusapan namin noong Monday pa na gabi, na kailangan­ kung gusto man natin silang talunin puwede­ na nating simulan ngayong araw so ‘yun nga binigay sa amin ni Lord.”

Isa pang dahilan kung bakit siya masaya ay ­nakuha nilang ang No. 1 spot sa semis.

“Sobrang happy siyempre, ang target namin puma­sok talaga ng semis. Pero (hindi) ang mag-number one,” pahayag ni Delos Santos.

“Hindi naman namin sinasabi na, ‘o, kailangan mag-number one tayo’ basta kailangan pumasok tayo and kailangan bago pumasok ang semis high morale tayo, ‘yung focus natin nandoon lahat, bigay natin ang 100 percent natin,” dagdag niya.

Sa unang game ay ginawang tuntungan ng UP ang 25-17, 23-25, 25-5, 25-18 panalo kontra San ­Sebastian para samahan ang NU at FEU sa semis.

Maglalaglagan ang Ateneo at Lady Stags sa do-or-die playoff sa Sabado, ang mananalo ay haharapin ang FEU sa best-of-three semifinals.

Tumapos si Ana Gopico ng siyam na puntos para sa Ateneo.