Tumibay ang kapit ng Ateneo at defending champion UP sa 1-2 spots matapos manaig sa magkahiwalay na katunggali sa UAAP Season 79 men’s football tournament.
Dinagit ng Blue Eagles ang 1-0 panalo laban sa UST sa iskor ni Marvin Bricenio sa 82nd minute noong Sabado sa Rizal Memorial Stadium.
Napanatili ng Fighting Maroons ang malinis na karta sa second round nang kalusin ang Adamson University 3-1 kahapon sa FEU-Diliman pitch.
May 26 points ang Ateneo, dalawang puntos na abante sa UP.
Kumana sina Raphael Resuma (35th), Christian Lapas (43rd) at Javi Bonoan (49th) para sa Maroons. Galing kay Marc De Guzman ang isang puntos ng Falcons.
Tumikada si Patrick Valenzuela ng late first-half goal para balikatin ang NU kontra UE 1-0 at kumapit sa solo fourth sa 16 markers.
Nakuntento ang De La Salle at Far Eastern University sa 1-1 draw.
Unang pumuntos si Alex Rayos para sa Tamaraws sa 34th, tumabla ang Green Archers sa goal ni Rafael Siggaoat 52nd.
Nasa third pa rin ang FEU (19), landing sa sixth ang DLSU (12).