Ateneo delikado pa sa tuktok, UST pwedeng makasilat

Ateneo delikado pa sa tuktok, UST pwedeng makasilat

Kasado na ang Final Four sa UAAP Season 81 women’s volleyball, pero rambulan pa rin ang natitirang apat para sa placing kung saan idedetermina ang magkakaroon ng twice-to-beat advantage.

Anim na laro na lang ang natitira sa second round eliminations, apat dito ay kaabang-abang dahil sa magiging impact pagpasok sa post season.

Nasa itaas ng standings ang Ateneo Lady Eagles tangan ang 10-2 win-loss record.Sakaling mawalis ang dalawang laro, sigurado na ang kanilang kapit sa tuktok, ngunit kaunting dulas lang ay posible pang mawala sa itaas.

Entra ang La Salle Lady Spikers, 9-3 ang kartada na winalis ang mga asul sa elims.

Kung sakaling mapanalo ang 2 laro at makatabla ang Ateneo ay masisilat ang top spot.

Pero ‘di lang ang dalawa ang pwede pa sa first seed, sa oras na matalo ng dalawang sunod ang DLSU at Ateneo, manggugulat ang University of Sto. Tomas na nagmamasid lang sa 9-4 record. (RMP)