UAAP | Ateneo or FEU: Kahit sino! – Coach Aldin

Aldin Ayo

Ayaw munang pakampante ni coach Aldin Ayo kahit pa pasok na ang De La Salle Green Archers sa championship round ng 80th UAAP men’s basketball tournament.

“We’re going back to basics. Kung wala pang kalaban, praktisin ‘yung usual na ginagawa,” ani coach Aldin.

Tambay muna ang Archers kung sino sa FEU Tamaraws o Ateneo Blue Eagles ang kasama nilang sasalang sa finals.

Ayaw humiling ni coach Ayo kung sino ang gusto niyang makaharap.

“Whoever is deser­ving. Be careful of what you wish for,” hayag niya. “We are going to play against them.”