Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10:00 a.m. — NU vs. Benilde (S Turf)
12:00 noon — Ateneo vs. UST (S Turf)
4:00 p.m. — UP vs. FEU (V-League)
6:00 p.m. — NU vs. Ateneo (V-League)
Hahabulin ng Ateneo ang panalo para makahirit ng playoff sa last quarterfinal berth sa Group A ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference.
Kaya lang, ang tigasing National U ang makakatapat ng Lady Eagles mamaya sa The Arena sa San Juan.
Silat sa first two games, nasingitan ng Ateneo ang Perpetual 27-25, 25-13, 25-16 para ilista ang una sa dalawang panalo na kailangan para makapuwersa ng playoff.
Kapag tinalo ang Lady Bulldogs, hahamunin ng Lady Eagles ang TIP, tinapos ang elims sa 2-2, sa Lunes para mag-unahan sa huling tiket sa quarters ng torneo na inisponsoran ng Shakey’s at inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Mikasa at Accel.
Sa Group A, swak na sa next round ang NU (3-0) at San Sebastian (3-1). Group B qualifiers ang UP, FEU at UST.
Sa unang laro mamaya ay pag-aagawan ng parehong 3-0 na Lady Tamaraws at Lady Maroons ang top spot sa kanilang grupo.