Ateneo, La Salle dumalawa sa Best Center

Sinikwat ng mga liyamadong Ateneo at La Salle-Greenhills A ang ikalawang sunod na pana­lo sa Passerelle Division, matikas ding inumpisa­han ng La Salle-Greenhills A ang paghahabol sa korona ng Small Basketeers Philippines sa Best Center twin basketball tournament hatid ng Milo sa Xavier School gym.

Walang awang ginutay ng Ateneo ang Marist School (0-1), 72-38, para akbayan ang La Salle Greenhills-A na naglampaso rin sa UST (0-1), 83-50, sa unahan ng Passe­relle Group A.

Nilapa ng Adamson ang Notre Dame of Greate­r Manila (0-1), 68-41, para kolektahin ang ikalawang sunod na panalo at tabihan sa una­han ng Group B ang San Beda College Rizal na 60-29 winner sa De La Salle-Zobel (0-2).

Biniktima ng Nazareth School-NU ang La Salle Greehills-B (0-1), 68-42, para ilista ang debut win sa parehong age group.

Sa SBP, nagsipanalo ang La Salle Greenhills-A, Xavier School, Ateneo, at La Salle Greenhills-B.