Ateneo magtsi- cheer sa Lyceum

Mga laro ngayon (FilOil Flyin­g V Center)
4:00 p.m. — Lyceum vs FEU
6:30 p.m. — San Beda vs ­Adamson

Itotodo ng Far Eastern Universit­y ang lakas para makuha ang panal­o laban sa lugmok nang Lyceum ngayong araw para masikwat ang natitirang semifinals berth sa pagsasara ng elimination round ng Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Cen­ter sa San Juan.

Kapag naipagpag ang Lady Pirates, sasamahan ng Lady Tamaraws (3-1) ang unbeaten NU at ang top two teams sa Group B sa Final Four.

Nasa kamay ng Lady Pirates ang kapalaran ng Ateneo na nasa third spot ng Group A hawak ang 3-2 karta.

Siguradong itsi-cheer ng Lady Eagles ang mga taga-Intramuros, dahil kapag nanalo ang Lyceum ay magkakaroon ng playoff ang Ateneo at FEU para sa huling ticket sa F4.

Sakaling manalo ng FEU, makakaharap nila sa semis ang Group B topnotcher na Adamson.

Makakatapat ng No. 2 sa Group B na Arellano ang Lady Bulldogs sa best-of-three semis.