Ateneo-Motolite pinagana ni Tolentino

USE-THIS-ELECH-DAWA-DALUSAPIMga laro sa Sabado:
(FilOil Flying V Centre)
4:00 p.m. – Iriga-Navy vs Adamson-Akari
6:00 p.m. – Tacloban vs Pocari Sweat

Ipinakita ng Ateneo-Motolite ang kanilang tibay sa endgame upang hatawin ang 25-18, 19-25, 11-25, 25-17, 15-11 panalo kontra Tacloban kagabi sa Premier Volleyball League Season 2 Open Confe­rence sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pangalawang sunod na five-set match win ng Lady Eagles upang ilista ang 5-1 win-loss record.

Muling nagdeliber si Kat Tolentino para sa Ateneo-Motolite, tumipa ng 16 points mula sa 12 attacks at tigalawang service aces at blocks.

Bumanat din si Ateneo hitter Bea De Leon ng 15 markers habang 12 puntos ang kinana ni Maddie Madayag upang ibaon ng todo ang Tacloban at ipalasap ang pang apat na talo sa anim na laro.

Hinawakan ng Lady Eagles ang 9-5 bentahe sa fifth subalit pumalag ang Fighting Warays at natapyasan sa isa ang kanilang hinahabol, 9-8.

Pinamunuan ni Madayag ang 4-1 run ng Ateneo-Motolite upang ilayo ang iskor sa 13-9 at makuha ang panalo.