Ateneo nagpalusot sa mga manyak prof

Nagbigay ng pahayag ang Ateneo de Manila University (ADMU) hinggil sa mga alegasyong kumalat sa social media laban sa umano’y mga manyakis na professor ng unibersidad.

Sa pahayag na inilabas ng University Marketing and Communications Office, sinabi ng ADMU na hindi nila kinukunsinti o pinapayagan ang sexual harassment sa sinumang miyembro ng kanilang eskuwelahan.

“Measures are in place to ensure the protection of our students and employees from any form of sexual harassment, at the same time guarantee that due process is followed, all parties are heard, and justice is served,” ayon sa ADMU.

Sa mga pagkakataon na mayroon umanong pormal na reklamong inihain sa kanila, nagsasagawa ng kaukulang imbestigasyon ang unibersidad sa pamamagitan ng Committee on Decorum and Investigation (CODI) batay sa prosesong nakasaad sa batas at sa mga panuntunan ng kanilang paaralan at saka magpapataw ng parusa base sa mga iniharap na ebidensya.

Sabi pa ng ADMU, hindi nila maaaring ihayag ang anumang mga impormasyon na maaaring mabunyag ang pagkakakilanlan ng mga taong pinagbibintangan dahil sa ‘confidentiality restriction’ sa ilalim ng Data Privacy Act at Safe Spaces Act gayundin ang laman ng imbestigasyon at ang magi­ging desisyon ng unibersidad.

Pero tiniyak ng ADMU sa Ateneo community at sa publiko na kanila nang ginagawa umano ang bawat hakbang para matiyak na ligtas ang mga estudyante at empleyado nila mula sa sexual harassment.

Sa kabila nito, lalo lang nagngitngit ang mga nagprotesta dahil isa umano itong pagtatago o pagtatakip sa malaking problema na dapat itama dahil matagal na nitong kinukunsinti at pinamimihasa ang mga manyak na nasa campus pa rin hanggang ngayon.

Hirit ng netizen na si Rafael La Viña, “It has condoned and tolerated it for years, and it continues to do so. Predators are walking around on-campus, teaching classes, right now. Liars.”

Sa pananaw ng mga nagprotesta, palusot na lang ang Data Privacy Act para itago ang katotohanan sa lahat.

“Walang na-ambag. Ang reklamo naming­ ay ang hindi maayos na proseso, wala itong any kind of changes or suggestions to improve the process. Walang kwentang statement,”sabi ni Madel Juliano.

“It bothers me that the Data Privacy Act seems to be used as a “convenient excuse” to “hide” or not inform the community (esp students and their concerned parents) about the “consequent decisions made by the university” about such cases of sexual harassment,” sabi ng netizen na si Rica Pauline Villegas sa Facebook page ng Ateneo.

“You teach us a lot about magis, so please practice it,” sabi ni Andrea Atienza.

Sabi pa ni Daniel Alcantara, “Nawalan ako ng faith dito sa school na to.” Hiningan ng Abante Tonite ng pahayag ang Ateneo hinggil dito ngunit wala itong ibinibigay pa as of press time. (Eileen Mencias)