Binutata ng ­Adamson ang tsansa ng Ateneo sa dalawang ­titulo nang ­ungusan ang ­Passerelle rival 69-67 para ­uma­bante sa finals sa Xavier School gym nitong weekend.

Sa Small Basketeers Philippines title ng Best Center twin-basketball tournament na lang lalaban ang Ateneo.

Hahamunin ng ­Adamson ang La ­Salle Greenhills-A na nakatakas din sa San Beda College-Rizal 58-55 sa isa pang Passerelle semi­final pairing. Ala-1:30 ng hapon sa Linggo magbabakbakan ang dalawa sa Jacinto Tiu competition court sa ­Xavier School din.

Tinalo ng Ateneo ang SBC-Rizal 74-49 para harapin ang LSGH-A para sa SBP crown ng torneo na inisponsoran ng Milo at suportado ng Chris Sports at Rain or Shine. Kinalos ng LSGH-A ang Xavier-A 67-40.