Ateneo pinigil ng UP

feu-san-sebastian

Pinutol ng UP ang three-game winning run ng kapitbahay sa Katipunan na Ateneo sa pamamagitan ng 25-18, 14-25, 25-20, 25-18 victory sa The Arena sa San Juan kagabi.

Naipanalo ng Lady Maroons ang unang laro sa quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference para umangat sa 2-1.

Nalaglag naman sa 1-2 ang Lady Eagles at kailangang walisin ang last two games kontra out nang UST sa Lunes at FEU para mapaypayan ang tsansang humirit ng playoff para sa last semis slot.

Inabot ng service errors ang UP sa fourth hanggang kumonekta ng dala­wang drop shots sa endgame si Isa Molde — una ang tumapos sa mahabang rally­ tungo sa 24-17, huli ang counter sa hit ni Michelle Morente na hindi nagawang itawid ng Lady Eagles pagkatapos ng three touches.

May 12 points si UP skipper Kathy Bersola­ mula sa 10 attacks at two kills, tumapos si Molde ng 11 at may 10 si Marian Buitre.

May tig-15 sina Morente at Bea de Leon sa Ateneo.

Sa unang game, sinorpresa ng FEU ang San Sebastian 27-25, 25-20, 25-11 sa likod ng 17 points ni Bernadeth Pons at 14 ni Remy Palma.

Bawi mula sa five-set loss sa NU noong Miyerkules, angat ang Lady Tamaraws sa 3-1 para dumikit sa semis. Laglag sa 2-2 ang Lady Stags na pinangunahan ng 12 markers ni Grethcel Soltones.