Ateneo prof inosente sa sexual harassment

24 co-teacher nanindigan

Kinampihan ng 24 kapwa propesor at mga ­miyembro ng Loyola School Community sa ­paniwalang inosente ang kanilang ­kasamahan sa ng English department sa mga ­akusasyon na ­ibinabato laban sa kanya dahil sa hindi ­matatawarang katapatan, propesyunalismo at good moral character na taglay nito.

Kinondena ng mga nasabing mga guro sa pamamagitan ng manifesto of support ang mga paratang laban sa nasabing propesor na direktang tinukoy sa mga social media at ibang public forum. Anila, dahil sa direktang pagtukoy sa propesor na sinasabing sangkot sa sexual harassment ng kanyang estudyante, posibleng tuluyan nang masira ang career nito sa pagtuturo.

Nanawagan ito sa LS community na kondenahin ang ‘trial by publicity’ at ‘mob lynching’ na nakaapekto nang matindi sa mga taong ­sangkot sa isyu sa halip na idaan sa tamang pag-uusap o dialogue.

Nauna nang nadawit sa kontrobersyal ang ­Ateneo de Manila University (ADMU) makaraang mag-viral sa kanilang ‘freedom wall’ ang umano’y panghaharas ng isang guro sa kanyang estudyante.

Kinondena rin ng Ateneo Alumni ang mabagal at kawalan ng aksyon ng unibersidad sa mga ­eskandalo na bumabalot sa loob ng unibersidad.

Umani ng sari-saring reaskyon sa netizens ang nasabing suporta.

Ayon kay Abe Guinigundo: “How you behave in public has little to do with what you really do in private. It’s called integrity. People have been disappointed time and again by those who they “thought they knew.” There is already blood in the water and this statement, while bold, does ­nothing to quench our thirst for answers.”

Sabi naman ni Christian Mendoza: “Para tapos na ‘yung usapan, ilabas na lang ‘yung resulta ng imbestigasyon, para magkaalaman na.

It’s supposed to be public knowledge in the first place: Bakit ‘yung students, kapag ­sinasaction, may kasamang public reprimand na nakapaskil, samantalang mga nagkakasala sa ­faculty wala? Lopsided naman na you shame students for cheating, but you don’t publicize the identities of people who prey on the people the school exists for?.”

“How could one be innocent if one were ­already sanctioned with a 15-day suspension ­after an ­investigation in relation to the sexual ­harassment allegation(s) prior to this petition? Just asking,” reaksyon naman ni Berms ­Benjamin sa ­Facebook page ng ‘The Guidon’, ang official ­student ­publication ng Ateneo de Manila University.