Parang nagpapawis lang ang Ateneo nang gapiin ang University of the East 25-18, 25-12, 25-10 sa first game ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena kahapon.

Wala si Lady Egales top hitter Jhoana Maraguinot dahil pinagpahi­nga ito ni coach Tai Bundit, pero hindi ito naging problema dahil nandiyan naman sina Kat Tolentino, team captain Jia Morado at Michelle Mo­rente.

Tumapos si Tolentino ng 12 puntos, may nine markers si Morado at nagtala ng eight si Morente.

Nagpakitang gilas ang mga second stringers­ na sina Ponggay Gaston, Jules Samonte, Ana Go­pico at Jamie Lavitoria na may pinagsamang nine markers.

“Okay lang naman­ kasi in training, we don’t just stay with a solid­ core. Coach Tai (Bundit) makes it a point to use everyone in training para kahit sino ipasok sa game, prepared kami,” pahayag ni Morado.

Tabla na sa No. 1 ang Ateneo at La Salle na kapwa may 11-2 win-loss record.

Naibulsa ng Lady Eagles ang ikalawang sunod na panalo para mamakuha ng momentum bago ang pagtatapat nila ng La Salle sa April 8.

Sa first round noong March 4 sa Pasay venue­ rin ay nakauna ang Ateneo sa four sets.

Gumawa si Mary Anne Mendrez mg anim na puntos para sa UE (1-12).