Pinulbos ng Ateneo Blue Eagles ang De La Salle Green Spikers 26-24, 25-19, 25-17 kahapon sa PhilSports Arena para harapin sa Finals ng 2nd Spikers Turf Collegiate Conference ang National University Bulldogs na tinapos din sa Game 2 ang UST, 25-19, 25-18, 25-21.
Humampas si Marck Espejo ng 24 points, nag-ambag sina Rex Intal at Joshua Villanueva ng nine at eight markers para sa Ateneo na hindi tumikim ng talo sa match ngayong conference.
Sa Game 1 nanaig ang Blue Eagles sa five sets.
Namuno sa opensa para sa Bulldogs si Madzlan Gampong na kumana ng 21.
Umpisa bukas ang bakbakan ng defending champion Ateneo at NU.