Ateneo XI wala pang bangas

Standings: Ateneo 15 points, FEU 9, UP 7, DLSU 4, UST 3, Adamson 3, NU 1, UE 1

Umeksena ang roo­kies ng Ateneo at tinalo ng Blue Eagles ang UE, 3-1, para manatiling wala pang bangas sa limang laro sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch kahapon.

Unang pumasok sa scoreboard ang Eagles nang kumonekta si Mario Ceniza sa 16th minute, dinoble ito makalipas ang 14 minutes mula sa pambihirang bicycle kick ni Sam Lim.

Lumayo pa ang Ateneo nang ibalik sa net ni Jordan Jarvis ang free kick ni Jarvey Gayoso sa 39th.

Nakaiwas sa bokya ang Red Warriors nang umiskor si Krysler Opena sa 71st.

Nangolekta ang Eagles ng maximum 15 points para kapitan ang unahan.

Naitakas naman ng defending champion UP ang 1-0 win laban sa UST mula sa goal ni rookie defender Marco Casambre. Angat sa second ang Maroons sa 10 points.

Sa unang laro, naisa­han ng Adamson ang De La Salle, 1-0, sa likod ng goal ni Ejike Ugwoke sa 58th.