Atenista Nag-Suicide sa katipunan

Nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ang isang kolehiyala ng Ateneo De Manila University sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Sa report ni PMSg. Julius Balbuena, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit, ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-11:10 ng umaga (Pebrero 17) nang maganap ang insidente sa harapan ng Chachago Milk Tea sa No. 29 F. Dela Rosa St., Brgy. Loyola Heights, QC matapos umanong mag-suicide ang sinasabing estudyante ng Ateneo De Manila University, base na rin sa nakitang ID nito.

Sa imbestigasyon, sinasabing tumalon mula ika-9th floor ng Regis Center ang kolehiyala na matatagpuan sa Katipunan Avenue, Loyola Heights.

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Eloisa Bondocan, supervisor ng Chachago milk tea, nakatayo siya sa labas nang makitang may bumagsak sa nakaparadang Toyota FJ Cruiser na may plakang CAF 2385 at pagkatapos ay tumi­lapon sa semento.

Nang alamin ay nakita niya ang katawan ng isang babae na umaagos na ang dugo sa ulo at halos magkalasog-lasog ang katawan kaya agad siyang humingi ng tulong.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. (Dolly Cabreza)