Athlete of the Year ang Team PH sa SEAGames

Athlete of the Year ang Team PH sa SEAGames

Hinirang na 2019 Athlete of the Year sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Marso 6 ang Team Philippines na nag-overall champion sa 30th SEA Games nitong Dis­yembre sa bansa.

Kumopo ang 1,115 PH athletes ng 149 gold, 117 silver, at 121 bronze medal mula sa 56 sports sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest sa Luzon.

Ikalawang overall tito ng ‘Pinas sa SEA Games sapul noong 1977.
Idaraos ang awards night sa Centennial Hall ng Manila Hotel kasama ang Philippine Sports Commission (PSC), MILO, Cignal TV at Phili­ppine Basketball Association (PBA).

Ito ang ikalawang beses na paparangalan ng country’s oldest media organization ang buong Team Philippines bilang Athlete of the Year awardee,­ una noong 2005 nang magwagi rin sa u­nang pagkakataon ng overall title sa SEAG dito rin.

Ilan sa nag-ambag sa tagumpay ng bansa sina 2016 Rio de Janeiro Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, Asian Games golden­ girls Margielyn Didal ng skateboarding, Bianca Pagda­nganan, at Lois Kaye Go ng golf, World champion gymnast Carlos Edriel Yulo atbp. (JAT)