Athletes Village binulabog ng bomb scare

Athletes Village Rio Olympic

Nabulabog ang Athletes Village ng 31st Summer Olympics sa Rio de Janeiro­ nitong Miyerkules nang may matagpuang unattended package.

Noong Martes lang ay sinuyod ng mga awtoridad ang Olympic Aquatic­ Center dahil din sa isang package na pinaghinalaang may lamang bomba.

Isinara pansamantala ang Welcome Center ng Athletes Village pagdating ng bomb squad.

Gumamit ng bomb robot para ilayo ang bag.

Wala namang natagpuang bomba o pampasabog, at nang makaalis na ang bomb squad ay muling binuksan ang Welcome Center.

Martes ng gabi, dumating sa Olympic Aquatic Center ang mga awtoridad dahil sa natagpuang package isa’t kalahating oras bago ang iskedyul na training ng Australian swim team.

Nakumpirmang tool box na naiwan ng isang electrician ang mister­yosong package.

Sa Aug. 5 (Aug. 6 sa Manila) na ang opening ceremonies ng Rio Olympics sa Maracana Stadium, mahigit isang oras na biyahe mula sa Athletes Village at sa Olympic Aquatic Center.

Humigpit na ang seguridad sa venues ng Olympic Games at sa Athletes Village, 24-oras na nagpapatrulya ang mga armadong Brazilian National Guards.