Isinailalim ng Department of Health sa matinding paglilinis at pagsasaayos ang New Clark City Athletes Village matapos makumpleto ng mga nagsiuwi mula sa MV Diamond Princess ang kanilang quarantine noong Marso 11, Miyerkoles sa Capas, Tarlac.

Suot ang kumpletong protective gears, nilinis ng mga personnel ng Department of Health – Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) at hinugasan ang lahat ng mga kuwatro na ginamit sa isolation ng 445 na mga repatriate mula sa cruise ship.

“We would like to assure everyone, especially those residing in the adjacent communities of New Clark City, that the Athletes Village has been thoroughly sanitized by the DOH,” sabi ni BCDA President at CEO Vince Dizon.

Una nang inihayag ng DOH na ang mga kuwarto na ginamit ng dalawang crew member na nagpositibo sa COVID-19 ay agad na nilinis at maayos na inilipat sa ospital.

“New Clark City will remain on lockdown in accordance with the govern­ment’s directive to the public to refrain from visiting public places,” sabi ni Dizon. (Lito Oredo)