HAVEY: Magandang abangan ang episode ngayon ng Umagang Kay Ganda para sa pahayag ng premyadong anchor na si Atom Araullo ukol sa kanyang pasasalamat at pamamaalam bilang Kapamilya.

No bad blood. It is amicably settled.

Maayos na nakapag-usap at nakapagpaalam si Atom sa mga boss niya sa Kapamilya network bago pa man humantong sa desisyong ito.

Matatandaang nag-resign bilang reporter si Atom ng ABS-CBN news noong isang taon ngunit nanatili siyang host ng Umagang Kay Ganda at Red Alert.

Gumawa siya ng documentary na Warmer na nanalo sa New York Festivals for Television at iba pang local awards.

Natapos na rin niya ang principal photography ng Citizen Jake which he co-wrote with Mike de Leon.

Nakapagpaalam na si Atom sa DZMM radio show niya last Sunday, at ieere ang huli niyang episode sa Red Alert sa Wednesday.

Ano kaya ang masasabi niya sa halos sampung taon niyang pamamalagi sa ABS-CBN?

***

Luis Alandy
Luis Alandy

WEHHHHH: Dalawang taon na pala since na-launch ang librong Sisikat Din Ako at Mag-Artista Ka.

Manila International Book Fair na naman at habang ginagawa natin ang taunang celebration ang event na ito, this year, bibigyang halaga natin ang 20 years sa industriya ng dating Luis at ngayo’y Adrian Alandy na.

Inaabangan natin ang kanyang parating na pelikulang Citizen Jake kasama si Atom Araullo kung saan sinabihan siya ni Direk Mike de Leon na isa siya sa pinakamahuhusay na aktor na naiderihe nito.

Isa pang papahalagahan natin ay si Joross Gamboa na kilala bilang Pambansang Best Friend.

Joross Gamboa
Joross Gamboa

Ngayo’y hindi lang pampalasa at pandagdag-sangkap si Joross sa pro­jects kundi bida na.

Handa nang ipalabas ang kanilang Deadma Walking ni EA Guzman at leading man siya ni Juday sa Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Masaya kami para sa dalawang ito — at inaanyayahan namin kayong makisaya kasama nila sa Linggo, September 17 at 5:30-7:00 PM sa Manila International Book Fair 1st Floor Main Stage Area.

***

WALEY: Maliban sa Star For All Seasons, dalawang may kuneksyon sa ating industriya ang naging vocal sa paglalahad ng kanilang concern sa “karapatang pantao”.

Ang isa riyan ay si Dingdong Dantes na nag-tweet, “Buti si Rep. Atienza of Buhay — among many others — voted against it. Ay teka, 32 nga lang pala sila.???? How in the world can that be alright?”

Isa pa ay si Pasig City councilor Vico Sotto, son of Vic Sotto and Coney Reyes, at pamangkin ni Senator Tito Sotto, who did not only voice his disappointment, but also offered to donate a percentage of his monthly salary if CHR ultimately ends up with a P1,000 budget in 2018.

Kapuri-puring move ito sa batang public servant.

More than makipagtalo sa social media, mas positive at pro-active ang kanyang aksyon.

***

WEHHHHH: Nandito sa bansa si Fe de los Reyes. Kilala ko siya tuwing Kapaskuhan dahil sa kanyang ABaKaDa Ng Pasko.

She will be performing sa Teatrino mamayang gabi in a rare appearance called LOLA LAND, The Grandmother Of All Shows.

Mukhang nakakatuwa ito at susuportahan ko dahil sa pag-aaya ng kaibigan ko’t idol na nandito ngayon — ang composer ng panahon natin — si Miss Odette Quesada.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.