HAVEY: Nakumbinse na si Atom Araullo na maging bahagi ng bagong pelikula ng Master Filmmaker na si Mike de Leon.

Si Mike de Leon ang nagdirek ng mga ‘di malilimutang obra tulad ng Batch ‘81, Itim, Kisapmata, Kakabakaba­kaba, Sister Stella L, Kung Mangarap Ka’t Magising at Aliwan Paradise.

Pagkatapos ng huling pelikula niya noong 2000 na Bayaning 3rd World, sisimulan ni Direk Mike ang kanyang susunod na pelikulang Citizen Jake sa susunod na taon.

Citizen Jake refers to “the world of citizen journalists, social media and politics” na inilarawan ni Direk Mike bilang “hybrid film of sorts.”

“I have a real journalist playing a fictional journalist­ in an investigative crime ­story with political overtones,” sabi ni Mike de Leon.

Sino ang mag-aakalang ang isang BS Applied Physics graduate ng UP na isa sa pinakamahuhusay na batang journalists ngayon ay aarte sa pelikula?

Sadyang napaka-varied ng interests ni Atom at kasama rin siya sa UP Mountaineering, League of Filipino Students and Stand Up.

He was editor-in-chief of the College of Science’s publication, Siyensya, and a founder of a Football Club.

Noong bata pa si Atom ay nag-host na siya ng 5 and Up mula sa Probe ­Productions.

Pagkatapos niya ng kolehiyo, kinuha ko siya para sa programa na Breakfast at Y Speak sa Studio 23 hanggang sa maging reporter na siya sa ABS-CBN.

Walang kinalaman ang pagre-resign ni Atom bilang regular reporter ng ABS-CBN sa desisyon niyang tanggapin ang offer na mapasama sa pelikula ni Direk Mike.

Wala pa ‘yung acting offer noon.

Nagpasya kasi si Atom na mas maging productive sa kanyang oras at gumawa ng documentaries at special investigative reports kaysa maging maging TAGABASA ng balita.

In the works na rin ang kanyang mga libro na sobra niyang pinaglalaanan ng oras.

Ano ang nakapagpakumbinse kay Atom na umarte sa pelikula? Ang sabi niya, “I just couldn’t say NO to Mike de Leon. I am taking this leap of faith because I believe in his ability to produce films of exceptional quality that are always imbued with social relevance.”

May background ba siya sa pag-arte?

Nag-teatro si Atom noong bata pa siya sa Ateneo Children’s Theater.

Isa si Carol Banawa na ­nakasama niya noon na ­makakapagpatunay nito.

Sabi ni Carol, “Well he was an actor first. Witness ako diyan. Dati pa ‘yan heartthrob. Go, go, go Atom!”

Hindi ba’t naaya namin siyang mag-walk-in ca­meo role sa hit movie na Kasal, Kasali, Kasalo na pelikula ng Kapa­milya naming sina Ryan at Judy Ann Santos-­Agoncillo?

Sa ngayon, tinatapos pa lang nina Atom ang istorya at script ng Citizen Jake na ang sabi ni Direk Mike ay maaaring huling pelikula na niya kaya tinututukan niya.

Bagama’t may ilang nauna nang suggestions,­ hinahanapan pa ng ­leading lady at ka-partner si Atom sa pelikula.

Kanino sa tingin ninyo siya babagay?

By early December pagkatapos ng script, saka magkakaalamanan. So, hintay lang tayo!

***

WALEY: As fate would have it, magtatapat pa rin yata ang mga pelikula nina Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 and the Abangers at ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na The Super Parental Guardians.

Ngayon ang presscon ng Star Cinema movie at bukas daw ang announcement ng bagong playdate nina Bossing Vic Sotto.

Abangan ang tapatan din ng promo ng mga pelikula sa It’s Showtime at Eat Bulaga.

At least, puwede nang mag-fiesta ang mga bata sa mga pelikula nila kung ‘yun ang type nilang panooring pelikula.

December 7 ang target playdate ng pelikula ni Vhong ­Navarro na Mang Kepweng ­Returns, ­habang iniisip ng Regal na ipalabas na rin ang Mano Po 7 sa December­ 14 (kung hindi man nila isiping gawing mas ­maaga pa ito).

With all these options presented sa publiko — plus these major companies na mas mabilis makakuha ng playdates at mas may resources for marketing and promotions — sana’y magtulu­ngan na lang lahat at everybody happy — ngayon hanggang sa duration ng Metro Manila Film Festival 2016.

Harinawa!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

3 Responses

  1. Go, go, go IDOL ATOM! Idol Atom is one of our finest journalists! He could very well be a very fine actor of our generation! He could be the next Christopher De Leon!