Atom, inaampon ng 3 networks

HAVEY: In all fairness, maganda ang hand­ling ng Kapamilya network sa pagpapaalam ni ­Atom Araullo sa ere noong Friday.

Actually, noong August 24, 2017 pa natapos ang one year contract ni Atom sa ABS-CBN pagkatapos niyang mag-resign bilang regular employee noong 2016.

He really waited it out and dutifully fulfilled his duties as host of Umagang Kay Ganda and Red Alert on TV and on radio.

In between that, he also was able to squeeze in writing and acting for Mike de Leon’s comeback film Citizen Jake.

May nakalinya nang isang special documentary project for him na dapat tutukan agad pero­ pinakiusapan siyang manatili sa programa sa ABS-CBN, hindi lang end of August kundi mid-September pa katulad ng nangyari.

Actually, nauna na siyang nakapagpaalam sa DZMM.

Kung namataan man siya kung saan man, as his activities were packed during the whole week, the ABS-CBN bosses were very well aware of his transfer, thus the very good handling of his ABS-CBN farewell.

Aside from the Umagang Kay Ganda send off, nagkaroon pa ng magandang report si Marie Lozano sa TV Patrol.

Maraming sala­mat kay Ma’am Ging Reyes for being on top of things.

Everything consi­dered, it was a good over a decade run for Atom sa ABS-CBN.

Inuulit ko, naging napakaganda ng samahan kaya malungkot man, maayos ang pagpapaalam.

Katulad ng nasabi ni Atom ie-explore niya ang kanyang interests sa broadcast at digital media, documentaries and long form storytelling.

Hindi lang isa, kundi tatlong networks ang umaampon kay Atom sa ngayon. Everything is geared towards building his body of works as a journalist.

Malalaman natin ­lahat niyan sa tamang panahon.