HINDI kaya na-trauma si Atom Araullo sa first movie­ niya dahil naiintriga na agad? Pinag-usapan ang pelikula niyang Citizen Jake dahil sa pag-­iingay ng direktor na si Mike de Leon.

Nalamang hindi naman pala niya isinali ang script nito sa Screening ng MMFF, at hindi rin niya isinabmit ang finished product.

https://www.instagram.com/p/BSfHUUHANKR/?taken-by=atom_araullo

Hindi naman kontrolado ‘yan ni Atom dahil sabi nga niya, artista lang naman daw siya sa naturang pelikula.

Sabi ni Atom, “I am just a talent. It’s the producer’s prerogative as to when he’d like to show the film. Focus na lang ako sa mundo na alam ko.”

Ang mundo nga naman ni Atom ay sa news at docu­mentary kagaya nitong first pro­ject niya sa GMA 7 na Philippine Seas. Mapapanood na ito nga­yong 3:30 ng hapon.

Ilan sa i-feature sa naturang docu ang Dolphins sa Bais, Negros Oriental, ang world-class na sardine run sa Moalboal, Cebu, at kinumusta na rin ni Atom ang Mantalip Reef sa Tanon Strait na isinara dati dahil sa dynamite fishing.

Dito pa rin sa Philippine Seas ay sasaksihan ni Atom ang buwis-buhay na paraan ng paghuli ng tuna sa Sarangani.

All-out naman ang suporta ng GMA 7 sa ­Philippine Seas na laging ineere ang teaser nito.

Isabel dinadagsa ng dalaw at panalangin

NAG-POST sa kanyang Facebook account ang pinsan ni Isabel Granada na si Joseph Rivera na Fake News ang inilabas ng isang blog na sumesenyas na raw si Isabel para mag-respond.

Stable pa rin daw ang vital signs ng singer/actress pero under comatose pa rin siya.

Sabi ni Rivera sa kanyang FB account, “The article is not accurate at all. How we wish it was true. Pls take this fake news down as it causing confusion to our friends and more aggravation to us her family.”

Patuloy na dumadagsa ang dalaw at nagbabantay kay Isabel, kaya patuloy silang nagpapasalamat sa lahat na tumulong at nagdarasal na magising na si Isabel.

Ang isa sa huling dumalaw doon ay si Robin Padilla.