NI: ALWIN IGNACIO

So refreshing ang mga news anchor na sina Jessica Sojo, Vicky Morales at Atom Araullo.

Hindi lang sila basta news readers, pag dumating na ang pagkakataon na kailangan nilang magtanong, they don’t beat around the bush, sinasabi ang mga saloobin pero marespeto pa rin ang pagtatanong sa kanilang mga kinakausap.

Amongst the three, ang awarded documentarian at one-time, big time bida sa “Citizen Jake,” si Araullo ang pinakabata if compared sa dalawa.

Pero hindi pahuhuli si Atom sa news delivery dahil hindi lang malinaw ang kanyang pagbibigkas at pagbabasa, he speaks with authority.Alam mong matalino at hindi fake ang kanyang kaalaman sa maraming bagay.

Kaya nga hindi na nagtaka ang diva that you love kung bakit biglang nag-trending si Atom sa isang social media site. Captured kasi ang kanyang pagtitimpi. Kahit mukhang gusto na niya kastiguhin at pagalitan ang isang senador . Wala kasing wawa ang suhestiyon niya tungkol sa protective gear na dapat gamitin ng mga health worker.

You can see in his eyes his disgust sa kuda ng matandang senador pero he still delivered it as a matter fact pa rin, na kahit alam mong inis na inis na ang binatang broadcaster. Itinuloy niya pa rin ang pagbabasa sa mga nakasulat sa teleprompter.

Sa true lang, more than his worth your while and worth watching documentaries, Araullo deserves a talk show of his own. Puwede niyang kausapin at harapin ang kahit na sinong politiko, lalong-lalo na iyong mga nawawala na lamang pag sila ay kailangan. O, ‘yung umaabuso sa kung ano mang paniniwala nilang sila ay makapangyarihan at hindi pwedeng salingin man lang.