Noong Martes nagkaroon ako ng pagkakataon na makapasyal sa Farm ni Boss Atong Ang sa Lipa City, Batangas.

Kasama ko siyempre ang team ng Abante SPORTALAKAN Web TV sa pangunguna ni host Sarah Jireh Cruz Asido para mag-interview at malaman kung ano pa ang ibang magagandang katangian ng isa sa iniidolo sa sabong.

Mga kasabong hindi lang pala bigtime sabungero at sugarol si Boss Atong, sa halos 45 minutong interview nabatid namin na malaki ang malasakit ni Boss Atong sa sabong.

Likas din ang pagiging matulungin nito sa kapwa sabungero, nag-iisip siya ng mga bagay tungkol sa sabong na ang mas makikinabang ay mga sabungero, ekonomiya ng sabong tulad ng mga negosyante na nagtitinda ng patuka at gamot ng mga manok at mga breeder.

Naikuwento rin ni Boss Atong kung bakit naisipan niya kasama ang ibang kapwa bigtime ang pag organisa ng World PitMasters Cup, hindi lang ito basta sugal, “May katuturang Sugal”, aniya.

Bukod sa pagbibigay ng pagkakataon sa ibang breeders na makilala, ginamit ng grupo ni Boss Atong ang kinita sa World PitMasters Cup sa pagpapagamot sa mga tao.

Kaya mga klasmeyt bukas basahin niyo sa Abante Tonite ang istorya ko kay Boss Atong at sa Martes ay mapapanood niyo naman sa Abante Online, Facebook ng Abante at Youtube ang buong interview ni kasamang Sarah sa aming bida.

Nagpapasalamat kami kay Boss Atong sa pagpayag na makapanayam siya sa mismong farm pa niya. Pinayagan din niya kaming ikutin ang buong AA Farm pero dahil sa sobrang lawak kahit may saskyan kami ay isang Ruweda lang ang aming pinuntahan.

At nakapanood ako at aking mga kasama ng mga ilang sapyaw ng manok, grabe ang lulutong pumalo ng mga manok ni Boss Atong.

Kaya Good Luck Boss Atong at sa mga kasama mo sa grupo sa PitMasters Cup. Sana mag maging matagumpay ang lahat ng mga gagawin niyo para sa industriya ng sabong.

***
Baka gusto niyong maglaban o magtrabisya mga klasmeyt, may 3-Cock Derby sa Angeles Cockpit Arena ngayong araw, may entry fee na P3,500 habang ang minimum bet ay P3,300. Trabisya na!