Dear Dra Holmes:
My name is Letty, 28 years old and still single. I would like to know if there’s something wrong with me because I am attracted and derived pleasure from having relationships with older married men. Thank you and God bless po. Xoxo
Dear Letty:
Maraming salamat sa sulat mo na una kong sinagot noong Sabado, Nobyembre 3. Sa huling kolum natin noong Nobyembre 17, sinabi ko na hindi nakakatakot sa matanda ang magbola kasi alam naman ng babaeng hindi niya ito matutupad dahil may asawa siya. Kahit ano masasabi niya. Ang wala pang asawa ay mas dahan-dahan mangako sa babae dahil sa mga sinasabi niya mayroong maaasahan ang babae at kung hindi matupad ng lalake ay maiinis sa kaniya ang babae.
Ang huling dahilan na naaakit ang iilang babae sa lalaking matanda ay dahil sa paglaki (childhood) ng iilang babae. Ang tawag rito ng mga sikolohista ay unresolved oedipal complex. Ito ay nangyayari kapag ang tatay ng babae ay iniwan ang pamilya, kadalasan para sa ibang babae. Minsan ang bata ay mag-aakala na siya (at hindi ang nanay niya) ang iniwan para sa ibang babae.
‘Pag laki niya, naghahanap siya ng matandang lalaki, malapit sa edad ng tatay niya na nagiging parang father substitute. Inaasahan ng babae na iiwanan ng lalaki ang kaniyang asawa, para at least, ngayon, hindi siya ang naiwanan. Pero bihirang gawin ito ng mas matandang lalaki, na malamang naiisip na, basta bigyan niya ng alahas, kahit kotse at iba pang mahal na bagay, ay magiging sapat na ito para sa babae. Maraming beses, tama na nga ito para sa babae.
Pero hindi para sa babaeng may father complex at may repetition compulsion. FINAL INSTALLMENT NEXT FRIDAY
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com