Dear Dra Holmes:

My name is Letty, 28 years old and still single. I would like to know if there’s something wrong with me because I am attracted and derived pleasure from having relationships with older married men. Thank you and God blesspo. Xoxo

Dear Letty:

Maraming salamat sa sulat mo na una kong sinagot noong Sabado, Nobyembre 3. Sa huling kolum natin noong Nobyembre 24, pinag-usapan natin ang relasyon ng babae sakaniyang tatay. Kapag ang tatay niya ay hindi maasahan—lalo na kung iniwanan niya ang kaniyang pamilya—maaaring maghanap ang babae ng isang lalakeng may asawa at mas matanda. Para bang naghahanap ang babae ng isang father figure. Ang father figure ay isang lalake na may maraming mga qualidad (characteristics) ng tatay niya, ang pinakamahalaga ay may asawa na siya at malaki ang agwat ng edad nila. Ayon sa mga sikolohista, eto ay dahil gusto nilang mabago ang nangyari nu’ng sila ay mas bata. Para bang gusto nilang ulitin ang kanilang kabataan, pero nga­yon iba na ang katapusan. Ngayon, hindi na sila iiwanan, at mamahalin sila habambuhay.

Pero mahirap mangyari ‘yan, dahil mahirap para sa mara­ming mga lalake na iwanan nila ang kanilang asawa at mga anak para magsama ng 100% sakanila as batang girlfriend. Kahit na iwanan ng lalake ang kaniyang asawa at sumama sa gf niya, hindi ito garantisado na tatagal ang relasyon.

Kapag iwanan rin ng lalake ang babae (bumalik sa asawa, o magsama sa iba na maaaring mas bata, o maging masamang asawa na nangbubugbog, nangangaliwa, nagsusu­gal atbp.) para bang naulit na naman ang kaniyang pagbata. Kagaya ng tatay niya, ang kaniyang bf ay iniwan siya. FINAL INSTALLMENT NEXT SATURDAY. PROMISE

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado. Sulatan siya sa Facebook:
http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com