Nagbabakasyon ngayon sa Japan ang mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles at ang tawag nila sa bakasyon na ‘yon ay #TroyAubreyBackpacking.
Wala silang regular hotel na kinuha at mas ginustong mag-stay sa mga hostel.
Sabi ni Troy kahapon, “Last night Aubrey and I stayed at a hotel in an 8 person dorm room. Aubrey slept on the top bunk, the rest of the bunks filled with total strangers.
“I like to try something for myself before I ran or race about it. As for this sleeping arrangement, thank goodness there’s curtains.
“A few of those tall beers before we slept probably didn’t hurt LOL.”
Ang iba marahil ay mag-iisip na nagtitipid lang sina Troy at Aubrey, pero noon pa sinasabi ng una na gusto niyang ma-experience ang ganoon.
Sa totoo lang, hindi kailangang magtipid ni Troy dahil isa siya sa top executives (at owner) ng isang production (and post production) company na napakaraming events, commercials (at iba pa) na hinahawakan.
Madalas mag-travel around the Philippines si Troy dahil personal niyang inaasikaso ang kanilang mga event na ikinatutuwa sa kanya ng kanilang mga kliyente!
***

NOONG isang araw ay nag-post ng two photos si Sunshine Cruz.
Photos nila ‘yon ng kanyang tatlong anak na babae na kung tawagin niya ay Tres Marias.
Ang una ay kuha a year ago at ang pangalawa ay kakukuha lang niya.
Grabe ang kaibahan pagdating sa heights ng kanyang mga anak. Sa loob lang ng isang taon ay sobrang tumaas ang mga ito, huh!
Eh, matangkad naman kasi si Sunshine, kaya hindi nakakapagtataka na maging matangkad din ang mga anak nila ng estranged husband niyang si Cesar Montano.
Ang bilis talaga ng panahon dahil ‘yon panganay nila ay dalaga na ang hitsura, huh!
Oo nga pala, sipag-sipagan si Sunshine para sa kanyang Tres Marias at natutuwa na tuluy-tuloy ang kanyang trabaho.
Katatapos pa lang niya ng isang teleserye sa ABS-CBN ay may pelikula naman siya, ‘yung Mang Kepweng Returns ni Vhong Navarro.
***
Mula sa Vatican City kung saan um-attend kami sa canonization ni St. Teresa of Calcutta noong Linggo sa St. Peter’s Square, naengganyo kaming pumunta sa Barcelona, Spain dahil gandang-ganda kami sa mga lugar na napanood namin sa trailer ng Barcelona: A Love Untold nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Hinanap namin ‘yung mga location na nakita namin sa trailer ng pelikula ng KathNiel at talagang magaganda ‘yon.
Habang nasa Barcelona rin kami, ilang kababayan natin na nagtatrabaho roon ang nakatsikahan namin at inusisa kung nakita ba nila sina Kathryn at Daniel habang nagsu-shooting ng nabanggit na pelikula.
Ang iba ay nagsabing nakita nila at karamihan ay hindi, pero aware daw sila sa KathNiel movie na nag-shooting ng more than 20 days doon.
Noong solo presscon ng direktor ng pelikula na si Ms. Olivia Lamasan, nasabi ng tinaguriang “Inang” ng Star Cinema/ABS-CBN na halos apat na oras lang sa isang araw ang tulog nila dahil hindi sila puwedeng mag-aksaya ng shooting days.
Gumagastos pala sila ng more or less P1.5M kada araw, huh!
Kahit walang special effects ang Barcelona: A Love Untold ay napakagastos ng pelikulang ‘yon!
Hindi rin puwede kay Direk Olivia ang “paglalaro” sa set nina Kathryn at Daniel dahil gusto niya ay tutok ang mga ito hindi lang sa mga eksena nika kundi pati sa dialogue.
Hindi gusto ng direktor ng Barcelona: A Love Untold na hindi kabisado ng kanyang mga artista ang lines nila at mag-a-adlib na lang.
Hindi natakot si Direk Olivia na mag-react ang KathNiel fans nang aminin niyang na-”award” niya si Kathryn sa isang scene, pero after that ay mas naging okey na lalo ang mga eksenang kinunan nila.