Audition ng ‘Malvar’ dinagsa ng mahigit isang libo

MAGKASAMA sa larawan sina Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin (kaliwa) at Lawyer Jose Malvar Villegas, Jr. (kanan), Line Producer at Executive Producer, respectively, ng pelikulang “Malvar”, the true-to-life story of National Hero Gen. Miguel Malvar, Supreme Commander of Filipino Forces noong 1899-1902 Phil-Am War, at sa produksyon ng JMV Film Production.

Ang pagsasama ay naganap sa conference ng JMV-Dreamwings Production Staff para sa Casting Call ng pelikula sa Mowelfund Building sa Quezon City. Dinaluhan ito ng mahigit isang libong aplikante na makikita sa larawan.

Ayon kay Atty. Villegas, apo ni Gen. Malvar, dumalo rin sa casting ng pelikula ang mga descendants ng Visayan Heroes sa pangunguna ni Ma. Cristita Diaz Chong, granddaughter of Visayan Revolutionary Hero Gen. Julio Diaz at Kate I. Brios, MTRCB Board Director.