Augustin ibinaon ang Washington

Sumalpok si Orlando forward Jonathan Isaac kay Bradley Beal ng Washington sa kaagahan ng laro nila nitong Miyerkoles sa 74th NBA 2019-2020 regular season.

Naka-stretcher na inilabas si Isaac, ‘di na nakabalik dahil sa hyperextended left knee.

Pero kahit wala ang isang key player, nagawan ng paraan ng Magic na tapusin ang 122-101 win laban sa Wizards.

Nagsumite si DJ Augustin ng season-high 25 points, nag-ambag si Nicola Vucevic ng 20 points at 12 rebounds at nakalsuhan ang four-game road losing streak ng Orlando.

Nakahinga nang maluwag si Isaac na nakaiwas sa mas malalang injury, pero isasailalim sa MRI para ma-re-evaluate.

“I’ve never hurt my knee before,” aniya. “So as soon as it happened, I just naturally start thinking the worst. ‘Wow man, it’s over.’ But as I was down there, it started to feel better and better just being down there.”

Inagaw ng Magic ang manibela sa kalagitnan ng second quarter at abante 62-58 sa halftime. (VE)