Standings W L
San Beda 14 1*
Lyceum 14 2*
Letran 12 4*
Perpetual 11 5
St. Benilde 8 7
Arellano 5 10
Mapua 5 11
San Sebastian 4 12
EAC 4 13
JRU 2 14
*clinched Final Four berth

Mga Laro Bukas:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – Lyceum vs CSB
4:00 p.m. – Arellano U vs San Beda

Nakasiguro ang Perpetual Help ng playoff para sa huling tiket sa Final Four ng 94th NCAA basketball tournament matapos nilang pagpagin ang Emilio Aguinaldo College 81–67 kahpon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumana si Kim Aurin ng personal-best 26 points upang tulungan ang Altas na ilista ang 12-4 karta at palakasin ang kapit sa No. 4 spot ng team standings.

Bumakas si Prince Eze ng 14 markers at 16 rebounds habang tumipa si Jelo Razon ng 11 puntos para sa Las Pinas-based squad na hinarurot ang six-game winning streak.

Sumandal ang Altas sa third quarter upang hawakan ang 61-49 bentahe papasok ng fourth quarter.

“We had a strong third. We outscored them by 10 points,” saad ni Perpetual Help coach Frankie Lim.

Swak na sa semifinals ang defending champion San Beda University, Lyceum of the Philippines at Letran Knights kaya isa na lang ang kulang para makumpleto na ang F4.

Isang panalo lang ang kailangan ng Perpetual Help sa kanilang huling dalawang laro para ibulsa ang tiket.

Nasa fifth place ang College of Saint Benilde tangan ang 8-7 card, posibleng malibre sa semis ang Altas kung matatalo ng isa ang Blazers sa kanilang huling tatlo laban.

Namuno sa opensa para sa Generals si center Hamadou Laminou na nagtala ng 17 markers.

Samantala, nagkaroon ng putok sa bandang kaliwang mata si Laminou matapos maumpog sa sahig ng mawalan siya ng balanse at mabgsakan ng tuhod ni Perpetual cager Jerome Pasia ang likuran ng kanyang ulo.