Inuga ng magnitude 5.4 ang Aurora Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang lindol alas-10:10 ng umaga, 15 kilometro timogkanluran sa bayan ng San Luis. May lalim itong 7 kilometro at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang pagyanig sa iba pang bahagi ng Luzon, kabilang ang ilang lungsod sa Metro Manila.
Batay pa sa Phivolcs, nagkaroon ng ulat na naramdaman ang Intensity VI sa Baler, Aurora, habang Intensity V naman sa San Luis, Dipaculao at Maria Aurora, Aurora.
Naramdaman din ang Intensity IV sa Casiguran, Dingalan, Aurora; Gabaldon, at Palayan City, Nueva Ecija. Sa Obando, Bulacan; Villasis, Pangasinan; Paranaque City; Antipolo City, Rizal naman ay Intensity III.
Habang Intensity II naman ang naramdaman sa Santo Domingo, Nueva Ecija; Malolos City and Plaridel, Bulacan; Baguio City; Manila City; Malabon City; Navotas City; Quezon City; at Valenzuela City.
Naiulat rin na Intensity I ang naramdaman sa Gapan City, Nueva Ecija at Guinayangan, Quezon.
Dagdag pa ng Phivolcs, inaasahan na magkakaroon ng aftershock at pinsala mula sa insidente.