Aussie firm inutusan ng SC: 700M isoli sa PCSO

Diborsyo sa Muslim wife, balido – SC

Inutusan ng Supreme Court (SC) ang isang Australian company at ang local subsidiary nito na ibalik sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mahigit P700 milyong halaga na ginamit sa pagpapagawa ng mga thermal paper at bet slip para sa lotto operation.

Batay sa 33 pahinang desisyon ng SC na may petsang Agosto 28 at sinulat ni Associate Justice Andres Reyes Jr., pinawalang bisa nito ang desisyon ng Court of Appeals (CA) noong Marso 27, 2014 kung saan sinang-ayunan ang kautusan ng Makati RTC.

Sa desisyon ng Makati RTC ay pi­nigilan nito ang PCSO na kanselahin ang P4.4 bilyong Contractual Joint Venture Agreement (CJVA) na pinasok ng ahensiya sa Australian company may 10 taon na ang nakalipas, para magtayo ng thermal coating plant sa bansa.

Binawi ng PCSO ang kasunduan sa pamamagitan ng isang resolusyon na inilabas noong Abril 15, 2011 matapos sabihin ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na isa itong supply contact at labag sa Republic Act No. 9184 o Government Procurement Act, partikular sa bidding ng mga go­vernment procurement supply, at hindi rin dumaan sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA).

Binaliktad ng SC ang desisyon ng CA noong Pebrero 4, 2016 at ang reso­lusyon na may petsang Hunyo 27, 2016 kung saan kinumpirma nito ang kautusan ng Makati RTC na pinapayagan ang motion for garnishment ng TMA sa mga ari-arian at pera ng PCSO para mabayaran ang mga lotto paper deli­very na nagkakahalaga ng P82 milyon. (PNA)