Australian actor, bilib sa husay ng Pinoy

conan-stevens

Isa pang patunay na paborito ni Direk Mark ang Game of Thrones ay ang pagkuha ng GMA sa Australian actor na si Conan Stevens para ­maging bahagi ng ­Encantadia.

Si Conan ang guma­nap sa papel ni Gregor ‘The Mountain’ Clegane sa unang season ng GoT.

Dumalo si Stevens sa presscon at siya ang unang­ lumabas sa cast to answer a few questions.

Ayon sa matangkad at malaking bulas na ­foreign actor, impressed siya sa camera work, paggamit ng filter at acting sa napanood niyang pilot episode ng Enca.

Obviously ay hindi niya naintindihan ‘yung Tagalog dialogues, pero humanga siya rito.

“I’m impressed with what happened in the first show. Give it a month, give it two months and you will be screaming how good it is,” bulalas ni Conan.

Tungkol sa ani­mation at special effects ng Enca na halatang inspired ng Game of Thrones, ang sabi ni Stevens, ang GoT na hango sa A Song of Ice and Fire book series ni George R.R. Martin ay inspired din ng The Lord of the Rings novels ni JRR Tolkien.

Kaya normal lang ­aniya ang ganu’n.
Bukod sa GoT ay nagtrabaho rin pala si Conan sa The Hobbit na prequel sa LOTR film series ni Peter Jackson.

Tapos ngayon ay ma­gi­ging parte siya ng Enca, so tila magkakakonek ang mga ginagawa niya.

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Nakikita man niya ang mga pagkakatulad, alam niya na magkakaroon ng sariling tatak ang Kapuso telefantasya.
“The Filipino creati­vity is world-class. This is just a demonstration of something real big, as far as I’m concerned. This is gonna be really good,” pakli pa ng banyagang aktor.

Kaya niya tinanggap ang project na ito ay dahil good move ito career-wise para sa kanya, bukod sa enjoyable ito.

Nakapagtrabaho na pala siya sa Thailand, China at India, so kung idadagdag niya ang Pilipinas sa kanyang resume bilang aktor ay magda­dala siya ng larger audience pagbalik niya ng Amerika.

It makes him more valuable as an actor para sa ibang mga producer at parte ito ng career niya bilang isang artista.
Hindi pa nagsu-shoot si Conan para sa Encantadia, pero ang sabi niya, ang mga Pinoy ay may international reputation ng pagiging friendly and polite.

So, looking forward siya to be working with the whole team.

Max Collins
Max Collins

Hindi niya binanggit kung anong magiging role niya sa Enca.

Ang sabi ni Direk Mark, si Conan Stevens ang gaganap sa dating papel ni Benjie Paras bilang barbarian na si Wahid.

***

NGAYONG gabi ang simula ng Encantadia requel (pinaghalong retelling at prequel/sequel), na isa sa pinakamagastos na produksyon ng GMA network.

Sa bumubuo pa lang ng cast ay napakalaki na, dahil na rin sa dami ng karakter ng nasabing telefantasya na phemo­menal hit 11 years ago.

Bago ang grand press­con ng Encantadia ay pinapanood muna sa press ang pilot episode nito. Umpisa pa lang ay may big battle scenes kaagad at mga eksenang hitik sa special effects.

Napansin namin ang title sequence (kung tawagin dati ay OBB o opening billboard) na obviously ay ‘inspired’ ng title sequence ng Game of Thrones.

Self-confessed fan ng hit HBO series na GoT ang direktor ng Encantadia na si Mark Reyes.
Daenerys Targaryen o Mother of Dragons ng GoT ang peg ng bagong karakter na si Amihan (Max Collins), ang diwatang kapatid ni Ynang ­Reyna Minea (Marian Rivera).

Sakay ng isang lumilipad na dragon si Amihan nang umentra sa eksena.
Guest role lang at namatay agad si Max bilang Amihan, kaya ipapangalan ni Minea sa pangalawang anak nito ang napaslang na kapatid.

Ganda-gandahan ang reyna ng Lireo, na nakatunggali agad ang masamang diwata na si Adhara (Sunshine Dizon).

Dinadala ng Ynang Reyna sa kanyang sinapupunan ang ikalawang supling nila ng kanyang asawang si Raquim (Dingdong Dantes), ang magiting na ­pinuno ng mga kawal ng Sapiro.

Ang sinaunang diwata na si ­Cassiopeia (Solenn Haussaff) ay mapipilitang ­hatiin sa apat ang pinakamakapangyarihang ­bril­yante bilang proteksyon mula sa mga nais magnakaw o mang-agaw nito.

Ipagkakaloob ni Cassiopeia ang mga ito sa apat na kaharian ng Encantadia — Lireo, Sapiro, Adamya at Hathoria.

Kukunin ng mga sakim na Hathor ang brilyante ng Adamya kaya magiging mas makapangyarihan sila, sa pamumuno nina Arvak (Roi Vinzon) at Hagorn (John Arcilla).

***

Napaluha si Direk Mark Reyes nu’ng grand presscon ng Encantadia.

Emosyonal siya dahil matapos ang tatlong failed attempts, last year ay nabigyan na finally ng go ­signal ang remake ng pet project niyang ito.

Nagpasalamat si Direk Mark sa GMA na nagtiwala sa napakamahal na show na ito, na ayon sa kanya ay nag-level up na ngayong 2016.

May mga nakatrabaho sila sa orihinal na Enca na kasama ulit nila ngayon.

Ani direk, gaya nu’ng una ay hindi ito ­trabaho para sa kanya kundi isang bokasyon. Hindi ito ­puwedeng gawin kung hindi ka dedicated.

Dugtong niya, ang mga eksena, costumes, ang mga kontribusyon ng craftsmen, puppetters, visual effects team at lahat na ay napakahirap gawin.

Aniya, 11 years ang lumipas at hindi na siya bata. He’s hoping ma-survve niya ang show, pero sa energy na binibigay sa kanya ng bagong cast ay wala raw imposible.

Sabi ni Direk Mark, parte na ito ng Philippine pop culture at noon pa man ay hindi nawala ang Encantadiks, kaya rin ginusto niyang ibalik ito para sa bagong audience.

Bukod sa ilalabas na Encantadia game app sa Apple Store at Google Play, magka­karoon ito ng mga merchandise at iba’t ibang pakulo na gagawin sa show hanggang Pasko, na ikakatuwa ng marami.

“Mahirap po ang labanan, alam po namin ‘yan. Pero handa po kaming lumaban. Ivo Live, Encantadia!” sigaw ni Direk Mark Reyes.