smb dehado vs phoenix

Si June Mar Fajardo pa rin ang alas ng San Miguel Beer laban sa Phoenix sa PBA Phi­lippine Cup semifinals series.

Siklab ang race-to-four affair mamaya sa MOA Arena.

Malaking tinik si Fajar­do kaya nailigwak ng Beermen ang TNT KaTropa sa quarterfinals.

Nag-a-average sa conference ang 6-foot-10 cneter ng 22.9 points at 12.45 rebounds, parehong tournament-best.

Four-peat champions ang SMB sa all-Filipino, pero ngayong season ay No. 5 at kinailangang dumaan sa best-of-three quarters. Nasagad pa bago naipagpag ang Ka­Tropa para umusad. Huli ang 96-86 win noong Miyerkoles.
Nasagad sa tatlong laro ang Beer, aligaga si coach Leo Austria lalo’t No. 1 sa elims ang Fuel Masters.

“Phoenix is not No. 1 for nothing,” ani coach Leo Austria. “We should study well what kind of game we’re going to do against Phoenix.”

Isa pa ay tinalo ng Fuel Masters at ni coach Louie Alas ang Beermen, 96-93 noong March 26, huling laro ng Fuel Masters sa elims.

“They beat us in the eliminations, but I think we have a good chance to go to the next step, to defend pur title,” giit ni Austria.

Umaasa ang tactician na madadala nila ang momentum mula sa TNT game kontra Phoenix. (Vladi Eduarte)