Austria tiwala sa mga natira

Austria tiwala sa mga natira

Schedule sa Marso 8:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Leo Awards
Opening Ceremonies
7:30pm – SMB vs Magnolia

Tuloy ang buhay sa San Miguel Beer kahit walang June Mar Fajar­do sa susunod na 45th season ng PBA.

“Alam naman natin na it’s not only one person who carries the Beermen,” ani coach Leo Austria sa Media Day nitong Huwebes sa Okada Manila.

Nabalian ng kaliwang paa si Fajardo sa ensayo nitong kaagahan ng buwan, inoperahan at nag-umpisa na ang rehabilitasyon.

Pinaghahandaan na ng Beermen ang buong season niyang pagkawala.

Sa opening night sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum ay babalatan agad ng SMB ang paghabol sa pang-anim na sunod na titulo ng Philippine Cup kontra Magnolia na tinalo nila sa championship noong nakaraang taon.

Inihanda na ni Austria ang team sa adjustment ng pagkawala ng 6-foot-10 five-time MVP.

“Tiwala naman ako dito sa crew ko,” dagdag ni Austria.

Sa gitna ay si Mo Tautuaa ang isasagupa ng coach, sa wings sina Arwind Santos, Russel Escoto, Billy Mamaril.

May Terrence Romeo, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot at Chris Ross siya sa backcourt, kasama sina Von Pessumal, Matt Ganuelas-Rosser, Gelo Alolino.

Next-man up ang Beer, lahat naman ng tatawagin ni Austria na numero ay siguradong reresponde. (Vladi Eduarte)